Villapando, Mylen P.

Post by Jerwin M. Lasin | Date: 9/13/2007 1:38:16 PM

“Life never seems to be the way we want it!… But we should live it the best way we can!....”

“There is no perfect life. But we can fill it with perfect moments!...”

Being a Lasallian scholar was the most perfect moment for me. When I got to know my benefactor who continuously extends her blessings to me and to my family I simply uttered “thank you so much Ma’am.” Then she replied with a sweet smile while saying that she was glad to help me and my family.

June 2003, that was my first day to experience a Lasallian education. During that moment I was thinking of her, for without her who has the good heart. I know I will never have the chance for this privilege.

Those years of my stay at De La Salle Lipa I came to know what is my worth, being a student, a daughter, who have full responsibility of utilizing the knowledge given by God and the gift of free education in an exclusive and prestigious school.

Sa loob ng apat na taon nagging tahanan ko ang De La Salle Lipa. Isa sa mga kinikilalang eskuwelahan sa buong bansa. Subalit sino ba ang nabibigyan ng pagkakataong makap-aral ditto? Sila bang tinitingala sa lipunan at nakaangat sa antas ng pamumuhay? Ganito karaniwan ang pananaw ng mga tao kapag nabanggit ang nasabing paaralan. Kung tunay ngang ito’y paaralan para sa mayayaman, hindi ba’t nakapagtatakang ako’y kabilang sa libu-libung estudyante ng La Salle?

Sa paaralang ito natawid ko ang tulay tungo sa katuparan ng aking mga pangarap. Sa tulong ng mga taong may mabubuting puso, lalo’t higit sa aking benefactor, nakamit ang magandang edukasyon na dati’y pangarap lamang.

Tunay ngang mahirap makibaka sa hamon ng buhay. Pero sa isang iglap lahat pwedeng magbago. Tulad ng nangyari sa buhay ko bilang estudyante – may saya at hirap. Pero lahat ng hirap may hangganan kung ito ay pagsisikapan.

Bawat pangyayari sa buhay ko bilang scholar ay mahalaga. Sa pagtahak ko sa panibagong landas ng buhay babaunin ko ang bawat kaalamang aking natutunan ditto sa La Salle. Salamat sa lahat ng suporta at pagtulong sa akin Mam…

Sa loob ng apat na taon ng pagiging scholar, naging napakakulay ng buhay ko. Nagkaroon ako ng ibang mundo – isang mundo na punung-puno ng masasayang karanasan. Dahil sa biyayang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong makapunta sa iba’t-ibang lugar, makasalamuha ang iba’t-ibang uri ng tao, matikman ang masasarap na pagkain (yang mayayaman lamang ang may kakayahang magkaroon). Kaya maraming salamat talaga sa foundation. Subalit sa kabila ng saying ito, naranasan ko din umiyak. Umiyak dahil nawala si Bro. Rafe – ang taong may ginintuang puso para sa mga tulad ko. Naging mahirap sa akin ang tanggapin iyon dahil ko lubos maisip kung bakit kay bilis siyang binawi sa amin. Pero tulad ng lagi nila sinasabi, hindi kami kaylanman iniwan ni Bro. Rafe dahoil lahat ng mga nagawa niya, ang kanyang ala-ala ay mananatili sa bawat isa sa amin.

Hindi man madali para sa iba ang unawain ang aking bawat karanasang nabanggit, pero para sa akin isa lamang ang kahulugan nito – ang aking pagiging scholar ang humubog at luminang sa kung ano ako mgayon.

Salamat FSLE……..